| para sa bago. |
[Friday
November 26th, 2010 at 12:41pm] |
yup. bagong blog. sabi kasi ng magaling na si Yen Ruiz na may virus daw yung dati kong blog. kaya wag niyo na yun puntahan. eto na lang :) magmula ngayon, dito na ako matatagpuan. wala itong tagboard kaya magcomment na lang kayo. ngunit, andito pa rin yung dating kalokohan, katarantaduhan at kwentong kawalang hiyaan. nagbago lang ako ng address. 100& public to promise. :)
xxx
DISCLAIMER Blog KO ito. opinyon KO ito. buhay KO ito. kung may sasabihin ka, magcomment ka lang. ang blog na ito ay walang intensyon manakit ng kung sino man. kung kayo ay natamaan, magsabi ka lang. kung hindi mo nagustuhan ang mga nakalagay dito, may ekis [x] sa bandang itaas sa may kanan ng screen mo. pindutin mo yun, magiging okay ka. at isa pa, wala pa akong pera para ipanalo ang kaso sakali mang idemanda niyo ko ng libel. salamat at mabuhay. :)
|
|
| wishful thinking. |
[Sunday
December 3rd, 2006 at 12:43pm] |
if i wish to stop it all. and if i wish to comfort the fall. it's just wishful thinking
xxx
lagi akong napapaisip. kung tama yung naging desisyon kong tigilan ko na siya. yes, tinitigilan ko na. pero alam niyo yung pakiramdam na paganjan siya ulit hindi mo maiiwasang bumalik ulit sa dati mong nararamdaman. nakakaiyak isipin na ganun nga yung nangyayari samkin ngayon. ang labo naman kasi niyang kausap. hindi ko maintindihan kung ano/sino talagang gusto niya. bahala siya. damn you.
xxx
badtrip din talaga ang mundo noh? paglalaruan ka talaga. magkakaron ka ng sunod-sunod na problema hanggang di mo na alam kung ano ang gagawin o kaya ano ang uunahin. merong sa eskwela, sa grades, sa kaklase, sa issues, sa pamilya,at higit sa lahat sa love life. hindi mo alam kung magaaral ka para sa exam kinabukasan o matutulog ka dahil masakit na ulo mo sa stress? di mo alam kung saan ka kukuha ng pambayad sa big night eh yun lang ang pinakagusto mo sa ngayon at ayaw mo nang bulabugin pa ang mga magulang mo sa pera. hindi mo din alam kung anong sasabihin mo paghinanapan ka ulit ng letter of complaint. hindi mo alam kung gaano kalaking stress ang idudulot ng bagyong hindi naman dumating dahil mamadaliin na lahat ng lessons lalong lalo na micro. bahala na si batman. sinusubukan ka kung hanggang saan ang kaya mo. oo na, inaamin ko na. hindi ko kaya. pakshet.
xxx
badtrip ang mundo. ayoko na.
|
|
| miss. miss. miss. |
[Friday
December 1st, 2006 at 9:53am] |

joi. chi at ako sa guidance.
 ako. keena. mao. kat. ms h. joi above us all - january 29 2006 SPCPSeniors Family day.
 mao. anna. joi. ochie. deb. ako. karen. 19th bday ni anna sa QC
damn. i suuuuuper miss them. sabi sa inyo labas tayo sa xmas break e.
|
|
| parenteral return demo |
[Wednesday
November 29th, 2006 at 10:28am] |
partner ko si luke-elisha(sorry sa IM). CI namin si Sir Dayrit. wuhooo. ♥ napabigyan kami. dahil daw nagproctor kami sa 3nu7 (na winish ko sa mga panahon na iyon na 3nu6 na lang) ang saya!! wuhoo. akala namin kay sir uy na kami mapupunta. na sooooobrang nakakatakot kasi si mam cabiente, sabi samin sa kanya na daw kami lahat. ampotah, hindi naman nagparetdem si sir uy e. hahahahahaha.
luke, sorry talaga ahhh. kasi naman, first time ko mag-IM e. si kim nga naiwan yung needle sa braso ni myk db? at least, hindi ko sha partner. kung sakin nagyare yun. sheeeeet. iiyak na ko... damn.
|
|
| crushes. yehey. :P |
[Monday
November 27th, 2006 at 10:06am] |
una sa lahat, maligayang kaarawan neeko catalan, elaine claire at maan. :) yehey. sana masaya kayo. dahil masaya ako. medyo lang
xxx
masaya pala ang micro. yes. masaya. mas masaya pa sa anatomy. ang nagpasaya lang ng anatomy ko ay ang presence ni sir nufable. (haha. gusto pa presence) ngayon, fun ang laboratory. naginoculate ako ng Staphylococcus aureus pati ng E. coli.. Sorry groupmates, sorry Dr. Guerrero, Sorry Dr. Gan...nasira ko yung Agar. sobrang excite mag streak at magsterilize ng inoculating needle. tanga naman sa staing :P. But damn. ang saya :)
pero ang totoong nagpapasaya ng micro ay si...basta. salamat dahil dun kami sa micropara lab.
xxx
nakita ko ang sandamukal kong mga crush. mapaKIT, si Almar, si RESPI GUY (with the smile...ayos), si alfred ohhhh my...
pati may number na ko niya. mainggit kayo. nyenyenyenye. :P
xxx
ah basta..MICROBIO is life. :)
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
|
|
|
|